Wednesday, October 12, 2011

500 days


Napanood ko na naman 'tong movie na to. Siguro pang limang beses na. Haha. Hindi ko naman masyadong favorite. Gusto ko lang na hindi sila ang nagkatuluyan sa ending. Common na kasi yung happy ending, masyadong baduy.

(Naisip ko nga na sa wedding ko, may presentation na gaya dun sa part na tumutugtog yung "Us" ni Regina Spektor.. ang cute lang kasi.. haha)

Tuesday, September 13, 2011

suck seed! :D

I need you.. love you..want youuuu...




Ang tagal ko na syang napanood pero ngayon ko lang ibloblog..

Dahil dinownload ni Nok at sabi nya ay maganda nga daw, pinanood namin nung isang gabi. In all fairness, maganda nga.. syempre napaisip na naman ako kung bat hindi makagawa ang mga pinoy ng mga ganung klaseng movie.. halos parehas lang nman ang setting at itsura ng mga pinoy sa thais; siguro masyado kasing madrama ang karamihan sa Pinoy kaya puro kadramahan at kabaduyan ang nagagawa ng movie makers.

Ayun na nga, mabalik tayo sa Suck Seed. Ayos talaga sya.. nakakatawa.. naabot nya yung pamantayan ko ng "humour" .. kahit thai ang salita eh nagandahan ako sa songs.. rock kung rock.. nakakatuwa pa yung mga bida.. si Ped, kaso hindi ako nahumaling sa kanya kasi medyo kahawig nya yung isang kakilala kong medyo uncertain sa kasarian.. haha.. si Khang, mas type ko pa sya dahil nakakatawa sya. Si X, yung drummer na nakabraces; na nakakatawa din kaso napasobra naman.. tas yung si Earn.. yung girl, na kamukha ni Chynna Ortaleza..dahil sa kanya eh gusto ko na din bumili ng electric guitar at maging malupet para paiiyakin ko sa hiya yung mga lalaking gitarista.. haha.


Wednesday, August 24, 2011

sawa ka na yata.. may iba na bang nakita?.. ♬



Actually, walang kinalaman si Yeng Constantino sa post kong ito..


          Wahah! hanggang ngayon ay hindi pa ako makarecover.. muntik na akong madeads sa takot na aking nadama.. *woo.. over oa.* 


          Ikwekwento ko ang buong pangyayari..


          Nagising ako kaninang umaga na kalma pa ang paligid.. 8:30 something.. alam ko kasi na tatawag si Sio, ang aking kaulayaw.. (haha.. kaulayaw?).. kaya hinintay ko na ang kanyang call.. wala akong kaalam alam na may commotion na pala sa pagitan ng aking kapatid at ng aking nanay sa labas ng kwarto.


          After ng call ay tumayo na ako para salubungin si haring araw nang makita kong inilabas lahat ng gamit mula sa kwarto ko. (sa kwarto kasi ng aking mga magulang ako natulog gawa ng madamot sila sa aircon). Hala.. Lilipat ata kami ng bahay , naisip ko, o kaya Hala, Pinalalayas na ata ako; at mag-asawa na daw ako.


           Pero biglang nilinaw ni Nok ang aking mga out-of-this-world thoughts:


ang pet pala namin.. all this time.. *deads*
 "May ahas sa kwarto"


  So?..


  Eh ano naman?.


           Hindi na bago ang mga ahas encounters dito samen.. damuhan ba naman ang paligid tsaka may mga ilog na masukal.. baka nga commoners lang yung ahas at comodo dragons talaga ang in dun.


           At ayun na nga.. habang hindi na mag kanda igi ang nanay ko sa paghahanap sa ahas ay bumalik ako sa kwarto para magchillax. Kaso sinabihan na agad ako na ayusin na yung pinaghigaan kasi baka dun daw pumunta yung ahas. Nge? Ano namang konek nung ahas sa higaan?


           Dahil curious lang ay tinanong ko kay Mama kung paano naman nya nalamang may ahas. Nakita raw nya yung pinagbalatan.. Tas ayun.. habang inaayos ko na yung pinaghigaan ko ay narinig ko na na nagtatalo si Nok at si Mama.. Nakita na nila yung ahas.. Sabi ni Mama ay hihingi raw sya ng tulong sa mga tao sa labas.. Haha.. Oa lang..


           Yun din ang nasaisip siguro ni Nok.. na Oa lang kasi nagsuggest sya na huwag nang ipamalita sa kapitbahay at sila na lamang ang pumatay. Madali lang naman daw.. ala-Gods must be crazy, yung tipong hahawakan mo sa buntot tas ihahampas mo sa lupa. haha.


           Pero huli na, nagtatakbo na si Mama sa labas para humingi ng tulong sa mga manong dun sa expert na sa hulihan ng sawa, bayawak, tuko.. etc.


           Nagtago ako sa kwarto dahil kinakabahan ako.. takot kaya ako sa ahas.. kunwari lang yung pangarap kong maglagay ng yellow na ahas sa balikat at magpaka-ala-Britney Spears.


           Oh yun na nga.. sinisilip ko lang ang mga pangyayari mula sa bintana. May pumasok na tatlong manong sa aming bahay na muka ngang expert sa mga ganung bagay. Naririnig ko ang kanilang usapan: "Naku, ang laki!"  "Asan?"  " Ayun!"  "Oo nga pare, ang laki!" "Kumuha tayo nang pamalong  kahoy!" etc. etc.


            Ano ba yan? bat hindi pa kumuha ng pamalong kahoy kanina.. Anong ipamamalo nila? kamay?


            Tapos nagsilabasan ulit sila para maghanap ng pamalo.. Tinawag ko si Nok para sabihing picturan nya yung ahas.. di kasi ako makalabas pero gusto kong makita kung gaano nga kalaki... yung ahas.


            After a split seconds ay nagsibalikan na yung mga manong.. para lang akong nakikinig sa radyo dahil rinig na rinig ko ang mga nangyayari sa kabilang kwarto. May mga pukpukan, sipaan, sigawan, parang action movie lang.


            Nakikita ko rin na may mga using pasilip silip sa gate namin na para bang nanonood ng shooting.


            Hanggang sa ilabas na nung manong ang kaawa-awang sawa na nakasabit sa kahoy.. grabe.. ang haba nga! Sabi pa nga nung manong cobra daw eh.. (tingnan nyo nga ung picture nya kung cobra nga)


           Paano naman nakapasok ang ganung kahabang ahas sa aming bahay?


           Dito na kaya sya samin lumaki?


           May mga anak pa ba sya o kaya tropang naiwan?


           Yan ang mga tanong na naiwan sa aking isipan. 


           Nang mailabas na sa kalsada yung ahas ay lumabas na rin ako ng kwarto. May mga tulo ng dugo sa sahig na parang may nagsaksakan na ewan.


           Ayun, imagine ganung kalaking ahas pala ang sikretong nagbebed space samin. Na hindi pala talaga ako nag-iisa kapag andito ako sa bahay.. Baka may Chamber Of Secrets din kami dito samin na hindi pa namin nadidiscover.


           Hindi lang pala daga ang meron kami kundi pati mga ahas.. hala.. nagmistulang zoo na.


           Katakot..sana hindi maisipan ng pamilya nyang maghiganti.. haha..


           ayun lang.


           






            




















Survey.. Anong tagalog dun?.. Sorbey?

Awright.. Dahil tinatamad akong mag-English eh tatagalugin ko ang post na ito.. maiba naman, masyado na kasing nabubulgar sa buong mundo ang kagalingan ko sa English.. haha. Tutal, Buwan naman ng Wika ngayon.

Ayun, due to insistent public demand, magsasagot ulit ako ng survey.. yung matinong survey na kasi yung last time parang tanga lang eh.. Naalala ko kasi ang kasikatan ng friendster dati dahil sa mga survey na ganto.. Me ginawa nga akong survey dati na sumikat sa friendster kaso di ata ako nakapagtabi ng copy kaya ayun. Anyway, pakialam nyo naman dun.. start na nga, masyado nang mahaba ang intro ko, anong petsa na?.. haha..

Ang unang survey ay iginoogle ko.. "funny tagalog survey" tas ayan.. jusko.. tagalog nga..


Try your best to answer in tagalog.. have fun hehehehe :)
(0h great. Eh bat ang instruction English??)


1.ano ang kompletong pangalan mo?
Janhelle Ciceron Escueta


2.kaelan bertday mo?
Ika-dalwampu't apat ng Enero, taong 1989 

3.ano ang gusto mong kotche?
2011 mini cooper convertible.. kung yung medyo nasa reyalidad pwede na yung 2011 Cherry Red Honda Fit :) *English yung name ng kotse, alangang tagalugin ko*


4.ano ang gusto mong uri ng musika?
Yung musika ng normal na tao.. haha.. alternatibo??

5.ikaw ba ay maligaya?
- Oo.. sakto lang.

6.ano ang gusto mong kainen pag malungkot ka?
Kahit ano.. yung masarap.. haha.. ice cream na lang.

7.may kasintahan ka na ba?
Meron po.

8.ano ang paboritong numero mo?
dalwampu't apat, syete.. ewan ko.. kahit ano na lang.

9.ano ang telepone namber mo?
Sikreto.. 

10.saan ka pinanganak?
Sa bayang sinilangan ni Jose Rizal, Calamba, Laguna.. baw!

11.ano ang mga amoy na gusto mo?
Haha.. me naalala ako; ngunit mahigpit na ipinagbabawal na ilagay sya dito kaya sikreto na lang..

12.ano ang paboritong salita mo? sa tagalog?
EWAN.. yung "ewan" mismo.. 

13.ikaw ba ay masaya sa iyong paaralan?
Tapos na akong mag-aral eh.. Ngunit kung ako ba ay naging masaya, marahil eh.. ok lang.

14.ano ang paboritong pagkaen sa kalye?
Yung bituka ng baboy na bilog-bilog.. hindi ko alam ang tawag.. kahit madumi eh masarap naman.

15.masaya ba tong serbey na to?
Ayos lang. Nasisiyahan ako sa sagot ko, hindi sa tanong.


16.naiintindihan mo ba?
Sakto lang.

17.sino crush mo?
Ano munang tagalog sa "crush"?? hahaha

18.ako ba?
Feeling naman nito.. ai paumanhin.. Hindi ko po alam ang tagalog sa Feeling.. Pakiramdam?

19.baket hinde?
Eh kasi magulo ka..

20.panget ba ako?
Medyo lang..

21.hehehehe? ano ang gusto mo?
Aba at nagjojoke ka pa sa lagay na yan..

22.mahilig ka ba sa pilipino food?
Hahah.. natawa naman ako jan.. Pilipino Food?.. oo, sisig, bicol *express*, laing, etc.

23.naka nakaw ka na ba sa isang tindahan?
Nung elementarya pa lang po ako.. ahaha.. nagnakaw ako ng singsing na tig-lilimang piso. Isinuot ko tapos nakalimutan ko pong magbayad.. eh tinamad na akong bumalik.. ayun.. ninakaw ko na lang.. hahaha. pero pinagsisisihan ko na.

24.na ninigarilyo ka ba?
Hindi po 

25.ano ang mga ginagawa mo pag sabado?
Wala.. yung ginagawa ko rin nung Linggo hanggang Biyernes.

26.ano ang paborito mong ginagawa pag magisa ka sa bahay?
Nagtratrabaho.. uu, totoo.

27.na laseng ka na ba ng todo todo?
Hindi pa nga eh

28.kung ikaw ay isang hayop ano ka?
Isang kyut na kyut na asong maliit *puppy*

29.gusto mo bang sumayaw?
Hindi masyado. Katamad eh.

30.baket maliit si Gloria?
Lagot ka.. may sakit na nga yung tao eh.

31.naniniwala ka ba kay santa klaws?
Oo, dati binigyan nya ko ng kama at drawer ng barbie.. tinatanong ko ang aking nanay kung sa kanya ba galing.. kay Santa Klaws daw. Hanggang ngayon sinasabi pa din nya na kay Santa talaga galing.. kaya sige.. naniniwala na ako.

32. ?
Ai ang haba ba ng sagot ko?..

33.baket ang ganda mo? :)
•  Tinatanong ko nga rin yan eh.. nakakainis na nga eh.. sobrang ganda ko kasi.

34.ano ang paborito mong parte ng araw?
Gabi. haha.. labo.

35.ano ang nagpasaya ng araw mo ngayon?
Marami..

36.ipaliwanag mo ang iyong nararamdamansa sandaling ito
Hindi ko maipaliwanag eh

37.ano na ang gagawin mo pagkatapos mo sagutan ang mga tanong na ito?
Ipopost 'to sa facebook.. ang saya kasi eh.

38. bakit?
Ai.. nasagot ko na yan eh.

39. kung ikaw ay may isang kahilingan ngayon, ano yun?
--- akin na lang yun

40.masaya ka ba?
Naman.


41. Natatandaan mo pa panaginip mokagabi?
Hindi na..

42. Natatandaan mo pa pangalan ngpinakauna nyong alaga?
Hindi eh.

43. Huling Time na sobrang nastress ka?
Kanina.. dami trabaho. phew.

44. Kung magiging cast ka ng isang tvshow/teleserye /anime, ano un?
Glee; o kaya High School of the Dead.. hehe.. kaso tapos na ata yun.

45 . kpg bngyn ka ng pera anong bgy/bblin mo?
Magkanong pera?.. bibilhin ko ang facebook.

46. Pinakagustong movie mo na kung san kasama ang pinakagusto mong artista?
Wala akong gustong artista dahil korni yun.

47. Laging paalala ng magulang na lagimo namang hnde sinusunod?
Magtext kung nasasaan na.. haha.

48 . Anong masasabi mo sa huling moviena napanood mo?
Ang huling movie na napanood ko ay.. Rise of the Planet of the Apes.. maayos naman sya.. crush ko nga si Caesar eh.. haha.

49. Kung may isang bagay kang sasabihinsa sarili mo anu un?
Wala.. alam na nya ang sasabihin ko..mental telepathy

50. Ano nman isasagot moh sa sriLimo?

Alam na din ang sagot.. waaahh.. ayako na.


At ayan po ang walang kakwentang survey with my walang kakwenta kwentang mga kasagutan.. 



Tuesday, August 23, 2011

Whatever Comes to My Mind

50 First thoughts:


1. Beer: I DON'T DRINK.
2. Food: SIOMAI.. SISIG?.. HIPON.. (Darnn.. I'm craving na)
3. Relationships: IN A RELATIONSHIP (Haha.. labo)
4. Your crush: CRUSH?.. hmm.. WALA NA EH. SHIA LEBEOUF NA LANG.
5. Eww: UNFLUSHED TOILETS
6. Hot: THE WEATHER.. hehe
7. Text Message: A--O--O.. I'VE BEEN WANTING TO RECEIVE A TEXT FROM THEM.
8. Yummy: EVERYTHING
9. Cars: YELLOW LAMBORGHINI.. 
10. Movie: 500 DAYS OF SUMMER
12. Sex: FEMALE (haha)
13. Religion: I LOVE GOD & I BELIEVE IN HIM. HE'S MY SAVIOR & MY ALL.
14. Hate: TO HATE
15. Fear: TO BE ALONE?
16. Marriage: IS FOREVER
17. Blondes: PARIS HILTON
18. Slippers: COMFY
19. Shoes: CONVERSE
20. Asian: AWESOME.. 
21. Past time: DAYDREAMING
22. One night stand: NOPE. 
23. Cell Phone: PINK
24. Smoke: MABAHO
25. Fantasy: HARRY POTTER
26. College: DONE.
27. Highschool Life: FUN. FUN. FUN.
28. Pajamas: TOM STURRIDGE
29. Stars: WISH
30. Fitness Center: ALABANG (haha)
31. Alcohol: OUCH
32. The word love: DEEP
33. Friends: HAVE LOADS
34. Money: I WANT.
35. Heartache: PAINFUL
36. Time: GOLD.. get it?.. TIME IS GOLD.. haha
37. Divorce: WHEN ALL ELSE FAILS
38. Dogs: SMALL DOGS CUTE, BIG DOGS SCARY
39. Undies: UNDER.. ha?
40. Parents: BEST
41. Babies: SOON.. 
42. Ex: WHAT EX?
43. Song: INCUBUS
44. Color: GREEN
45. Weddings: SOON. Sana.
46. Pizza: CHEESEEEE!!
47. Hangout: MAYBE.
49. Goal: TO BE INFINITELY HAPPY!
50. Inspiration: THESE AWESOME AWESOME PEOPLE.. :D

Thursday, August 11, 2011

Chibi.. or not Chibi

This is my current artwork.. A chibi version of me and my boyfriend.. haha.. I just want to do a little deed for him to bright up his day or whatsoever.

He liked it naman, sabi nya, so I was glad.

It's actually a hint of what I might give him to his birthday, which is 36 days from now.. ( I really hope he wouldn't read this blog.. because it's a surprise.. haha).

I said.. I might give him.. I'm planning to make plushies because I wanted to give him something really special since it's his first birthday with me.. So I wish myself luck and pray that I wouldn't be tamad so I can turn these chibis into real plushies.. : D



charlavaileffron

I really like Charla Vail na.. in fact I want to name my future daughter Charla.. or Vail.. hehe.

Kamuka nga nya si Hayley.. pero sa tingin ko mas maganda sya kay Hayley tas parang hawigin din nya si Quinn Fabray..

Pero ang cool cool nya.. artist sya at pastry chef din.. tas nagpapaint din sya sa damit at gumagawa ng sugar skulls.. ganung ganun ang gusto kong field. Feeling ko tuloy parang ako si Charlavail.. hahah.

Gusto ko na rin tuloy mag dye ng buhok na mejo kakaiba.. pero gusto ko lang, di ko pa naman gagawin..

Tas gusto ko rin yung mga porma nya.. susuutin ko talaga yung ganun sa work. Sya na ang aking bagong Style Icon.



yun lang.. gusto ko lang sya.. hehe.

Wednesday, August 10, 2011

Oh look what we have here ;)

Yey for my new blog design.. I was inspired by someone else's tumbler so I made something similar.. err.. a bit identical to it.

It kinda looks basta-basta but that was completely done purposely.

Look at my hii*mweird characters.. they seem to be very happy making a cameo on my blog. lol.

Monday, August 8, 2011

Some things people *might* don't know about me

****

This is my blog so I can write whatever I want.

I want to write the things that people might not know about me. I just watched Diana Agron's 10 Things You Don't Know About Me and I thought I wanted to write mine. 

• I eat almost all gulays except for Kalabasa 
- Yup.. lahat ng gulay. I eat ampalaya, okra.. all those veggies people hate. But I don't and won't eat kalabasa. I dunno.. I just don't like how it taste especially when it's mushy..

• Despite of me being Veggie lover.. I am not a fan of Fruits.
- Call me weird.. but I don't eat fruits.. well, I eat only a few like apples, unripe mangoes, pineapples, oranges.. but I don't go gaga over fruits. 

• I don't like Chocolates 
- Chocolate is everybody's favorite desert except for me.. I eat chocolates but I don't like them. I like chocolates with nuts though. :)

• I used to love everything UBE.
- When I was little, I always liked ube flavored ice cream & cake.. I still like it now but not to the same extent as I like it when I was a kid.

• I've always been "The Artsy Girl"
- Well I guess everybody already knows that.. Ever since I'm a little girl I've been told that I am good in drawing. I have always been the girl who draws ever since I was in Kindergarten up to this time.. The thing is, I wasn't good.. let's just say, it's what I do.

I won a Gold Medal for Orating.
- (Please Google Orating because you might misinterpret it into something inappropriate) haha.. Yup, Who on Earth would think that I do Orations?.. I won a Silver Medal in my second year in high school & a gold Medal in the third.

One of my true Childhood Dream is to be a Fish Vendor.
- This one is really weird but when I was young,  fish vendors really fascinates me. I dunno why.. lol.

I hate SMOKES!
- This should've been I hate Smokers but I have friends who smokes so I instead wrote I hate Smokes.

I love the music of 80's and 90's
- I was born in between 80's and 90's but I learned to appreciate music in the 21st century. Music of  the 80's and 90's is far better than what we have today.. in my opinion.  ^_^

• I am a Potterite
- I am a huge Harry Potter fan. In fact, I still have this album with clips about Harry Potter.. I was inlove with Daniel Radcliffe and dreamt to be his girlfriend back in my teenage years.. lol. I even wrote my own Harry Potter book. 

• I sing and I know how to play the guitar
- I sing but I was never good at it.. I couldn't belt out high notes or whatsoever.. I sing just for myself.. I know how to play the guitar but just the basics.. I'm bad with hard chords because it hurts my fingers.. XD

• I am a fashionista
- I might not be always dressed glamorously but I am a fashionista.. I love clothes and I love fashion. If I have time (and money) to buy clothes, I'll buy all the clothes I want and dress up everyday.. 

• I can recite the Alphabet backwards
- Yeah.. really.. try me.. I can do it in 5 seconds.. haha.

• I have a Sense of Humor
- My closest friends would agree that I am funny.. I am not scared of making fun of myself. I love to laugh and make people laugh. Not the comedienne way.. let say, I'm just witty. 

• Yes to English, No to Math
- Math and I are not friends. I hate it! I hate numbers! Don't ask me anything about Math. I am better in English.. in fact, I speak English when I am super mad. :D

• I am Frugal
- I am not kuripot.. I just don't like spending money on the things that I don't really need. I always assure that I never ran out of money. I don't like getting broke. 

• I dream BIG
- Someday I want to be rich, I want to have cars, I want to travel the world. I want to be successful.. 

• I have Split Personalities
- I am really nice.. but I can be really mean.

I am the creator of the Bertong Badtrip Application in Facebook
- Haha.. UU.. totoo


I am a Girl Gamer
- I am a sucker for games.. I know how to play DotA, HoN and LoL.. in fact I am better than most boys.. I can kick their asses off whenever I wanted.. lol.. kidding.

So that's it.. just a few.. :)





Saturday, August 6, 2011

Short Hair is Cute :)


Last Tuesday, I decided to get a haircut. It's been more than a year since I've had my hair chop off.. I guess I've been really fond of my long hair.

Due to constant headache and hair falls, surprisingly, I was very confident. I don't even care how long it was.

I asked my Mom to come with me and we headed to Ystilo Salon in SM Calamba. I am not hesitant to pay 130 pesos for a haircut because I wanted the best for my hair.. I don't want to have a cheap haircut and then feel bad because I didn't like it.

The last time I had short hair was when I was in Second Year College.. that was three years ago. That couldn't even pass as short hair because it was just past my shoulders. The last time I really had my hair short was when I was in Grade Four.. so that was a really really long time ago.

I wanted to have this haircut:

 I just found it on the internet and I thought it might be "bagay" to me since I have a small face.

But ufortunately, I didn't achieve that haircut. The Hair Stylist might have got it wrong kasi my phone is almost dying that time.

So instead I got this haircut almost similar to what the singer Angeline Quinto has: onion cut with super short hair at the back and longer layers on the front.

I liked it naman because I looked different and I wanted to look different. More mature and more like a 22 year old, so I was satisfied.




Now, I feel like Brittani Kline of Antm16..or Elisha Cuthbert from My Sassy Girl.. or that girl from My Cyborg Girlfriend.. these girls who rock their short hairs.. ^_^

Thursday, March 17, 2011

Crazy Little Thing Called LOVE


I already watched the movie after it shook Facebook by storm. Yeah, It became so popular that there had been a time when my news feed is mostly about this movie.. I couldn't blame these people; sobrang hirap magmove on. 

It could've been the usual love story: Girl likes Boy, Boy doesn't know Girl existed.. but ofcourse there's a twist in the end.