Wednesday, August 24, 2011

sawa ka na yata.. may iba na bang nakita?.. ♬



Actually, walang kinalaman si Yeng Constantino sa post kong ito..


          Wahah! hanggang ngayon ay hindi pa ako makarecover.. muntik na akong madeads sa takot na aking nadama.. *woo.. over oa.* 


          Ikwekwento ko ang buong pangyayari..


          Nagising ako kaninang umaga na kalma pa ang paligid.. 8:30 something.. alam ko kasi na tatawag si Sio, ang aking kaulayaw.. (haha.. kaulayaw?).. kaya hinintay ko na ang kanyang call.. wala akong kaalam alam na may commotion na pala sa pagitan ng aking kapatid at ng aking nanay sa labas ng kwarto.


          After ng call ay tumayo na ako para salubungin si haring araw nang makita kong inilabas lahat ng gamit mula sa kwarto ko. (sa kwarto kasi ng aking mga magulang ako natulog gawa ng madamot sila sa aircon). Hala.. Lilipat ata kami ng bahay , naisip ko, o kaya Hala, Pinalalayas na ata ako; at mag-asawa na daw ako.


           Pero biglang nilinaw ni Nok ang aking mga out-of-this-world thoughts:


ang pet pala namin.. all this time.. *deads*
 "May ahas sa kwarto"


  So?..


  Eh ano naman?.


           Hindi na bago ang mga ahas encounters dito samen.. damuhan ba naman ang paligid tsaka may mga ilog na masukal.. baka nga commoners lang yung ahas at comodo dragons talaga ang in dun.


           At ayun na nga.. habang hindi na mag kanda igi ang nanay ko sa paghahanap sa ahas ay bumalik ako sa kwarto para magchillax. Kaso sinabihan na agad ako na ayusin na yung pinaghigaan kasi baka dun daw pumunta yung ahas. Nge? Ano namang konek nung ahas sa higaan?


           Dahil curious lang ay tinanong ko kay Mama kung paano naman nya nalamang may ahas. Nakita raw nya yung pinagbalatan.. Tas ayun.. habang inaayos ko na yung pinaghigaan ko ay narinig ko na na nagtatalo si Nok at si Mama.. Nakita na nila yung ahas.. Sabi ni Mama ay hihingi raw sya ng tulong sa mga tao sa labas.. Haha.. Oa lang..


           Yun din ang nasaisip siguro ni Nok.. na Oa lang kasi nagsuggest sya na huwag nang ipamalita sa kapitbahay at sila na lamang ang pumatay. Madali lang naman daw.. ala-Gods must be crazy, yung tipong hahawakan mo sa buntot tas ihahampas mo sa lupa. haha.


           Pero huli na, nagtatakbo na si Mama sa labas para humingi ng tulong sa mga manong dun sa expert na sa hulihan ng sawa, bayawak, tuko.. etc.


           Nagtago ako sa kwarto dahil kinakabahan ako.. takot kaya ako sa ahas.. kunwari lang yung pangarap kong maglagay ng yellow na ahas sa balikat at magpaka-ala-Britney Spears.


           Oh yun na nga.. sinisilip ko lang ang mga pangyayari mula sa bintana. May pumasok na tatlong manong sa aming bahay na muka ngang expert sa mga ganung bagay. Naririnig ko ang kanilang usapan: "Naku, ang laki!"  "Asan?"  " Ayun!"  "Oo nga pare, ang laki!" "Kumuha tayo nang pamalong  kahoy!" etc. etc.


            Ano ba yan? bat hindi pa kumuha ng pamalong kahoy kanina.. Anong ipamamalo nila? kamay?


            Tapos nagsilabasan ulit sila para maghanap ng pamalo.. Tinawag ko si Nok para sabihing picturan nya yung ahas.. di kasi ako makalabas pero gusto kong makita kung gaano nga kalaki... yung ahas.


            After a split seconds ay nagsibalikan na yung mga manong.. para lang akong nakikinig sa radyo dahil rinig na rinig ko ang mga nangyayari sa kabilang kwarto. May mga pukpukan, sipaan, sigawan, parang action movie lang.


            Nakikita ko rin na may mga using pasilip silip sa gate namin na para bang nanonood ng shooting.


            Hanggang sa ilabas na nung manong ang kaawa-awang sawa na nakasabit sa kahoy.. grabe.. ang haba nga! Sabi pa nga nung manong cobra daw eh.. (tingnan nyo nga ung picture nya kung cobra nga)


           Paano naman nakapasok ang ganung kahabang ahas sa aming bahay?


           Dito na kaya sya samin lumaki?


           May mga anak pa ba sya o kaya tropang naiwan?


           Yan ang mga tanong na naiwan sa aking isipan. 


           Nang mailabas na sa kalsada yung ahas ay lumabas na rin ako ng kwarto. May mga tulo ng dugo sa sahig na parang may nagsaksakan na ewan.


           Ayun, imagine ganung kalaking ahas pala ang sikretong nagbebed space samin. Na hindi pala talaga ako nag-iisa kapag andito ako sa bahay.. Baka may Chamber Of Secrets din kami dito samin na hindi pa namin nadidiscover.


           Hindi lang pala daga ang meron kami kundi pati mga ahas.. hala.. nagmistulang zoo na.


           Katakot..sana hindi maisipan ng pamilya nyang maghiganti.. haha..


           ayun lang.


           






            




















No comments: